Lahat ba’y nakatapat na sa electric fan? Ano bang kailangan para ika’y mapreskuhan? Ah! Beat the heat sa isang refreshing na kantahan kasama ang P-Pop girl group na CALISTA. Plus, maki-update sa mga ganap nila ngayong tag-init!
Painit nang painit ang competition sa paboritong lip-reading game ng nation! Sinimulan ni Jaze ang panghuhula. Dalawang tamang sagot ang nakuha niya sa tulong ng teammates na sina Vhong Navarro, Darren Espanto, Cianne Dominguez, MC, at Ayesha.
Matibay-tibay na ang two points pero sinubukan pa ‘yang lamangan ng grupo nina Jhong Hilario, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Lassy, at Kulot, with their buli-lip reader, Kelsey. Pa’no ba naman makakahula si Kelsey kung si Ryan mismo ay hindi sigurado sa kan’yang sinasabi? Ang ending, zero, as in bokya, as in waley. Ay, nand’yan si Lassy! Sure na ang ‘Showtime’ family! ‘Pag si Lassy ang kagrupo, lulusot ka panigurado! Walang araw na hindi siya natalo. So, ang tawag do’n ay… ano?
Dahil sureball na ang paglusot ng Team B, humabol si Vice Ganda at nakisali. Kinabahan lang nang bahagya nang mag-struggle sa Enicka sa simula, pero agad nakabawi ang pretty girl na naka-3 points kaya sila ang winner! Ligtas sina Argus, Ion Perez, Jugs Jugueta, at Karylle. Kagrupo rin nila si AC, as in AC Soriano ha, hindi AC Bonifacio. Nagkamali kasi ng banggit si Jackie Gonzaga. Pasensya na raw, sabi ni Ate Girl, binasa lang naman niya ‘yung prompter.
Basa-basa rin ‘pag time para lumawak ang kaalaman. Dahil sa Quiz V, ang tamang sagot mo’y may katumbas na premyo. Our lesson sa araw na ‘to: history, mathematics, at spelling! Isang batang estudyante ang naluha sa tuwa dahil sa wakas ay natupad ang pangarap niya na makita ang iniidolong si Vice Ganda.
Ang nakaraan sa kwento ng ‘Sine Mo ‘To’ na pinamagatang ‘Soafer Latina,’ nagkabasaan sa studio dahil kay Jhong TV (Jhong) at biglang nawala si Tina (Vice Ganda) nang mabasa ang buhok niya. Kaya naman sa pagbabalik ni Tina, ipinaliwanag ng Batang Lolo Genggeng (Darren) ang kapangyarihan niya. Ang sinumang mahahampas ng buhok ni Tina ay mahihimatay. Teka, bago ang lahat, nasaan ang original Lolo Genggeng na si Ogie Alcasid? Napagod ‘ata ang ‘matanda.’
Si Cindy (Lassy) ang unang nakatikim ng lupit ng kapangyarihan ni Tina. At nang mahimatay, bigla siyang ‘inalarma,’ sabay hinagis sa sofa. Guys, ‘yung sofa, nasira! Sumunod na hinimatay si Madonna (MC). Eh, sinong mag-aalarma? Sa bilang ni Meme, halos 30 katao ang nagtulong-tulong para mabuhat si MC.
Tumigil ang mundo nang pumasok sa eksena ang binibining maganda, si Soafer Latina Paner (Cianne), na galing Espanya. Nagkahamunan na! Si Latina Paner, ibinida
ang husay sa pagsasalita ng Espanyol. Naghanap pa ng Latino at nagsayaw sila sa entablado.
Sa gitna ng hindi matuloy-tuloy na halik nina Latina Paner at ng Latino niya, umeksena ang tunay na may-ari ng parlor, si Arman Salon, na tiyahin ni Tina. Sa sama ng loob ni Tina dahil sa pang-aagaw ni Latina Paner, nagamit niya ang ‘beauty rest’ power sa kan’yang tiyahin. Paano magigising si Arman? I-alarma na ‘yan!
Maayos pa kaya ang gusot sa salon? Abangan ang susunod na kabanata ng kwentong ‘Soafer Latina.’
Sa ‘Hide and Sing,’ tatlong TagoKanta ang bida. Ang celebrity singer, sino kaya sa kanila? Mukhang matinding diskusyon ang magaganap. Pero kung usapang gwapo, wala nang debate, si TagaHula Elijah Canlas ang may pangmalakasang aesthetic!
Ramdam ang concert vibes sa Round 1. “Together in Electric Dreams” ang piyesa ng mga TagoKanta sa rakrakan. Si Elijah, kinutuban. Parang hinihila siya ng energy ni TagoKanta 2. Napa-‘aha’ naman ang It’s Showtime hosts! Kung height ni TagoKanta 2 ang pagbabasehan, malamang si Ogie ‘yan! Biro nila, hindi talaga papayag si Ogie na ma-zero ang sweldo sa araw na ‘to.
Matapos ang solo performances sa Round 2, unang pinusuan ni Elijah ang ikalawang TagoKanta, at si Amiel Sol ang hula nila ng Madlang Partner niya. Pero nagbago sila ng sagot at pinili si TagoKanta 3, na ang hula nila ay si Kenaniah.
Sayang! Nando’n na sana! Ang celebrity singer ay si TagoKanta 2, at siya’y si Medwin Marfil ng True Faith! ‘Di bale, hatid naman ni Medwin ay kantahang ‘Perfect’!
#ItsShowtimeOnline
#ItsShowtimeFullEp
#ABSCBNEntertainment
コメント